Skip to main content

Pagpapakilala

PAN PIL

Panitikan ng Pilipinas



Ang blog na ito ay binuo para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Panitikan ng Pilipinas. Ito ay nagsisilbing gabay para sa mga estudyante ng Aklan State University Banga campus na kumukuha ng asignaturang PAN PIL na kasalukuyang inaalok ngayong Pangalawang Semestre ng Taong panuruang 2018-2019. Ang mga nilalaman ng blogsite na ito ay hinango sa mga sinangguning aralin, artikulo, libro at online na sanggunian mula sa mga batikang may-akda na bihasa sa Panitikan ng Pilipinas. Ang inyong propesor na namamahala ng blogsite na ito ay hindi inaako ang mga nilalaman kundi kinikilala ang orihinal na may-akda.

Popular posts from this blog

Panitikan ng Pilipinas

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Ang kahalagahan ng panitikan sa bawat bansa sa daigdig ay katulad ng isang walang katapusang daloy ng tubig sa batisan . Magwawakas lamang ito kung ang mga nakalimbag na titik ay mawawala sa daigdig at kung ang mga tao ay mawawalan na ng kakayahan sa pagpapahayag ng kaisipan , damdamin at karanasan .” - Mula sa aklat na Panitikang Filipino ( Pandalubhasaan ) ni Consolacion Sauco et al.